๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜‚๐—ถ๐—ด, ๐—ญ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐˜€โ€” Nagsagawa ang 69th Infantry (Cougar) Battalion, Philippine Army ng Close Quarter Combat (CQC) training para sa mga tauhan nito sa Headquarters 69IB, Tent City, Brgy. Bulawen, Palauig, Zambales, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na paigtingin ang kahandaan sa labanan at kahusayan sa operasyon.

Layunin ng aktibidad na mapahusay at mapalakas ang kasanayan ng mga sundalo sa Close Quarter Combat at urban warfare, kabilang ang tamang pamamaraan ng room clearing, pagkilos sa makikitid na espasyo, wastong pagkilala sa target, at koordinasyon ng maliit na yunit. Sa pamamagitan ng makatotohanang training scenarios, higit na nahubog ang situational awareness, disiplina sa taktika, at teamwork ng mga Cougar troopers.

Ipinapakita ng pagsasanay na ito ang patuloy na dedikasyon ng 69IB sa pagpapanatili ng isang propesyonal at handang-handang pwersa na may kakayahang tumugon sa mga hamon ng seguridad lalo na sa mga urban at built-up areas. (69th Infantry Cougar Batallion)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *