Palauig, Zambales – Bilang bahagi ng pinaigting na programa para sa kalusugan at kapakanan ng mga sundalo, nagsagawa ng komprehensibong Stress Management Seminar si Dr. Maria Olivia Alquizar-Ogalesco, MD, M.O.-III at NCD Programs Cluster Head, para sa mga tropa ng 69th Infantry (COUGAR) Battalion, Philippine Army.

Ang aktibidad ay naglalayong palakasin ang mental resilience at emotional preparedness ng mga kawal na patuloy na nagsasagawa ng peace and security operations sa lalawigan ng Zambales. Sa kanyang talakayan, binigyang-diin ni Dr. Alquizar-Ogalesco ang mga karaniwang pinagmumulan ng stress sa hanay ng uniformed personnel, ang epekto nito sa pisikal at mental na kalusugan at ang mga praktikal na estratehiya upang mapanatili ang balanse sa pagitan ng tungkulin at personal na kapakanan.

Kabilang sa mga tinalakay ang kahalagahan ng sapat na pahinga, tamang nutrisyon, regular na ehersisyo, at pagkakaroon ng matibay na support system sa loob at labas ng organisasyon. Nagbahagi rin siya ng mga coping mechanisms at relaxation techniques na maaaring agad na magamit ng mga sundalo sa oras ng matinding pressure o operational demands.

Sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga eksperto sa larangan ng kalusugan, pinatitibay ng 69th Infantry (COUGAR) Battalion ang pangako nito na hindi lamang tiyakin ang seguridad ng komunidad kundi pangalagaan din ang kabuuang kapakanan ng bawat kawal, isang mahalagang pundasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa lalawigan. (69th Cougar Batallion)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *