Noong ika-19 ng Enero, isinagawa ang pagbabasbas ng pitong (7) electric vehicles sa 1Bataan Command Center sa bayan ng Orani. Pinangunahan ang seremonya ni Fr. Noel Nuguid at dinaluhan nina Vice Governor Cris Garcia, Bokal Romy Austria, at Metro Bataan Development Authority (MBDA) General Manager Christopher Pizarro.

Ang mga bagong sasakyang ito ay magsisilbing karagdagan sa mga patrol vehicles ng MBDA sa kahabaan ng Roman Superhighway. Malaki ang maitutulong ng mga electric vehicles na ito sa pagpapatibay ng seguridad at sa mas mabilis na pagtugon ng mga awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga kababayan. (Provincial Government of Bataan)
