Photo: LTFRB
Inaabisuhan ang lahat hinggil sa aprubadong taas-pasahe para sa mga Public Utility Jeepney (PUJ).
Alinsunod sa bagong fare matrix, ang pamasahe para sa mga traditional jeep ay itinakda sa ₱14 para sa unang apat (4) na kilometro at karagdagang ₱2 para sa bawat susunod na kilometro.

Photo: LTFRB
Samantala, para sa mga modern jeep, ang pamasahe ay ₱17 para sa unang apat (4) na kilometro at karagdagang ₱2.40 para sa bawat susunod na kilometro.
Ang implementasyon ng nasabing taas-pasahe ay magsisimula sa Huwebes, ika-19 ng Marso 2026.
Pinapayuhan ang lahat ng mananakay at mga operator na sumunod sa itinakdang pamasahe upang mapanatili ang kaayusan at patas na paniningil sa pampublikong transportasyon. (Philippine Information Agency)
