Subic, Zambales – Isinagawa kahapon ng umaga, Enero 26, ang turnover ceremony sa San Marcelino District Hospital (SMDH) para sa mga bagong pasilidad at makabagong kagamitang medikal na layong higit pang mapabuti ang serbisyong pangkalusugan ng ospital.
Kabilang sa mga opisyal na itinurn-over ang ambulatory surgery clinic, dietary building, isang ambulansya, gayundin ang mga modernong kagamitang medikal para sa endoscopy at respiratory health.
Pinangunahan ang programa nina Congressman Jay Khonghun at Governor Jun Ebdane, kasama ang mga opisyal ng ospital sa pangunguna ni Dr. Cresencio Gonzales, pinuno ng SMDH. Dumalo rin sina Dra. Rowena Zabat-San Mateo ng PhilHealth Region III at Jocelyn Rosete-Pascua ng DOH Zambales.

Sa kanyang mensahe, nagpaabot ng pasasalamat si Cong. Jay sa pamunuan, mga doktor, nars, at kawani ng SMDH, pati na rin sa pribadong sektor gaya ng Olongapo Multi-Purpose Cooperative na nagpatayo ng bagong public comfort room sa ospital bilang bahagi ng kanilang inisyatiba at malasakit sa komunidad.
βAng aktibidad na ito ay patunay ng sama-samang pagtutulungan ng ibaβt ibang ahensya ng pamahalaan at ng pribadong sektor upang makapaghatid ng mga programang tunay na nagbibigay malasakit sa mga residente ng ating distrito,β ani Cong. Jay.
Samantala, tiniyak ng pamunuan ng SMDH na ang mga bagong pasilidad at kagamitang natanggap ay gagamitin nang maayos at epektibo para sa kapakinabangan ng lahat. (Subic Information Office)
