SAN MARCELINO, Zambales — Nagkaroon ng makabuluhang educational tour ang mga daycare pupils ng Barangay Central Daycare Center sa San Marcelino Techno-Demo Farm ng Municipal Agriculture Office upang mas makilala at maunawaan ang kahalagahan ng agrikultura.

Pinangunahan ang pagbisita ng mga chikiting ng kanilang Child Development Worker na si Madam Juvelyn Balbeo, kung saan ipinakilala sa kanila ang iba’t ibang gawain sa sakahan.

Personal na ipinakita ni Municipal Agriculturist Remin Sardo sa mga bata ang proseso ng pagtatanim ng pechay, mula sa nursery stage hanggang sa pag-aani, upang magkaroon sila ng kaalaman kung paano napo-produce ang mga gulay na kanilang kinakain.

Ipinahayag naman ni Mayor Elvis Ragadio Soria ang kanyang kasiyahan sa pagbisita ng mga bata sa Agri Farm. Ayon sa alkalde, mahalaga na maipakilala sa mga kabataan sa murang edad pa lamang ang kahalagahan ng mga magsasaka, agrikultura, at food security sa bansa.

Dagdag pa niya, ang mga ganitong aktibidad ay nakatutulong upang mahubog ang kamalayan ng bagong henerasyon tungkol sa pinanggagalingan ng pagkain at ang mahalagang papel ng sektor ng agrikultura sa komunidad. (San Marcelino Information Office)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *