Lay-out by: Jan Tristan Rey Garcia
CASTILLEJOS, Zambales — Inaanyayahan ng Alliance of Empowered Youth of Castillejos Inc. (AEYC), katuwang ang Castillejos Municipal Tourism Council, ang publiko na saksihan ang Grand Senakulo 2026, isang makabuluhang pagtatanghal na naglalarawan sa Pasyon ni Hesukristo bilang bahagi ng paggunita sa Semana Santa sa bayan ng Castillejos.
Layunin ng aktibidad na mapanatili ang tradisyon ng pananampalataya at maipamalas ang pagkakaisa ng komunidad sa pamamagitan ng isang makabagbag-damdaming pagtatanghal at mga gawaing panrelihiyon.
Ang mga nakatakdang aktibidad ay ang mga sumusunod:
Marso 31 (Martes)
• Grand Senakulo Theatrical Play
Castillejos Municipal Park – 8:00 PM
Abril 2 (Huwebes)
• Morning Parade of the Senakulo 2026 Cast
National Road, Castillejos
Abril 3 (Biyernes)
• 9:00 AM – Via Crusis
• 3:00 PM – Crucifixion
Ayon kay Jan Tristan Rey Garcia ng Castillejos News, ang nasabing aktibidad ay isang banal na tradisyon na nagpapakita ng pananampalataya, sakripisyo, at pagninilay ng mga mananampalataya tuwing panahon ng Semana Santa.
“Lahat ay inaanyayahan na saksihan at makibahagi sa makabuluhang pagdiriwang na ito ng komunidad,” ani Garcia.
Ang Grand Senakulo ay inaasahang dadaluhan ng mga residente at mga bisita mula sa iba’t ibang lugar upang sama-samang gunitain ang sakripisyo at pagmamahal ni Hesukristo.
Para sa karagdagang impormasyon at mga update, maaaring bisitahin ang opisyal na mga social media page ng Alliance of Empowered Youth of Castillejos Inc. at ng Castillejos Municipal Tourism Council. (Subic Bay Public Information Center)
