Photo by: Congressman Jay Khonghun
Olongapo City – Pinangunahan ni Congressman Jay Khonghun ang matagumpay na turnover ng 30 laptop units sa Olongapo City Elementary School (OCES) bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa sektor ng edukasyon sa lungsod.
Ang mga nasabing laptops ay ilalaan para sa Speech Laboratory o Language Learning Hub ng paaralan, na inaasahang makatutulong sa pagpapahusay ng kakayahan sa komunikasyon at pagkatuto ng mga mag-aaral.

Isinagawa ang turnover ceremony sa OCES sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd), kasama sina Dr. Imelda Macaspac, Schools Division Superintendent, at Dr. Marina Deniega, Principal IV, gayundin ang mga guro, magulang, at mga mag-aaral.
Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang pamunuan ng paaralan, mga guro, at mga magulang kay Congressman Khonghun at sa DepEd para sa mga kagamitang makatutulong sa mas epektibong pagtuturo at pagkatuto.
Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na layunin ng pamahalaan na mapalakas ang kalidad ng edukasyon at mabigyan ng mas makabagong kagamitan ang mga paaralan sa Olongapo City. ( Alex Q. Galang)
