By: Alex Q. Galang

OLONGAPO CITY — Arestado ang isang 43-anyos na lalaki na kabilang sa listahan ng mga subject of law enforcement interest (SLI) matapos ang isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Barretto, Olongapo City, dakong alas-7:05 ng gabi nitong Huwebes, Agosto 27.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Antonio Durana y Rombo, alyas “Dodoy,” 43, binata, vendor at residente ng Barangay Kalaklan, Olongapo City.

Isinagawa ng Police Station 6 Drug Enforcement Unit (SPDEU) ang anti-illegal drug operation sa Rizal Extension, Barangay Barretto, sa ilalim ng Target Intelligence Packet (TIP) Control No. B-2026-035-PRO3-OCPO-PS6.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto kay Durana at pagkakasamsam ng limang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang pinagsamang timbang na 2.67 gramo.

Tinatayang nasa P18,156 ang Standard Drug Price (SDP) ng mga nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga. Narekober din ng mga operatiba ang P300 bill na ginamit bilang buy-bust money.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng Police Station 6 Drug Enforcement Unit (SPDEU), na pinangunahan sa dokumentasyon ni PSSg Rodolfo I. Salazar bilang Incident Operations Controller (IOC). Si Pat Mar-J M. Gamay naman ang nagsilbing POMIS Encoder, habang ni-review ni PMAJ George Francis B. Molina bilang ASC ang ulat ng operasyon.

Dinala ang naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 6 para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Ang mga nakumpiskang hinihinalang shabu ay sasailalim sa wastong pagsusuri at dokumentasyon, habang ang suspek ay haharap sa kaukulang proseso alinsunod sa umiiral na batas.

Patuloy naman ang Philippine National Police sa pagsasagawa ng mga operasyon laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang seguridad at kaayusan sa mga komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *