Cong Jay Khonghun Facebook Page

CASTILLEJOS, ZAMBALES — Kahit tapos na ang Araw ng mga Puso, patuloy pa ring umapaw ang “Feb-ibig” sa bayan ng Castillejos sa idinaos na Kasalan ng Bayan, kung saan 68 na couples ang sabay-sabay na nag-isang dibdib.

Pinangunahan ang makabuluhang seremonya ni Mayor Jeffrey D. Khonghun, kasama si Ninong Jay Khonghun o mas kilala bilang Cong Jay Khonghun, at iba pang mga opisyal ng bayan. Ang programa ay naging simbolo ng pagkakaisa, pagmamahalan, at suporta ng lokal na pamahalaan sa mga pamilyang Castillejeño.

Bilang bahagi ng selebrasyon, nagpaabot din ang pamahalaang bayan ng munting mga regalo para sa lahat ng bagong kasal. Higit sa materyal na handog, baon ng bawat mag-asawa ang panalangin at hangarin ng lokal na pamahalaan para sa isang matatag, masaya, at panghabambuhay na pagsasama.

Ang Kasalang Bayan ay patunay ng patuloy na malasakit ng Pamahalaang Bayan ng Castillejos sa kapakanan ng mga residente nito—hindi lamang sa aspeto ng serbisyong panlipunan, kundi pati sa paghubog ng matitibay na pamilya bilang pundasyon ng isang maunlad na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *