Photo by: San Antonio Zambales Public Information
SAN ANTONIO, Zambales — Nagkaisa ang Climate Change Commission (CCC) at lokal na pamahalaan ng San Antonio sa Zambales sa pagdaraos ng International Coastal Cleanup 2026, bilang bahagi ng pandaigdigang kampanya para sa paglilinis at pangangalaga ng mga baybayin at karagatan.
Pinangunahan ni CCC Commissioner Albert P. Dela Cruz ang pakikiisa ng komisyon sa aktibidad, kasama ang kanyang companion na si Princess Bae Dalan Dhum, LLD., at mga kinatawan ng lokal na pamahalaan, mga ahensyang nagpapatupad ng batas at iba pang sektor ng komunidad.
Nakiisa rin si Konsehal Lester Estrella Evangelista, chairman ng Sangguniang Bayan Committee on Tourism, kasama ang mga kawani ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa pangunguna ni Architect Jeffrey Roxas; Municipal Planning and Development Office (MPDO) sa pangunguna ni Engineer Jason Paje; at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni Gladz Albarda.

Photo by: San Antonio Zambales Public Information
Kabilang din sa mga lumahok ang mga kawani ng Sanidad sa pangunguna ni Guillermo Dizon Jr., mga tauhan ng Mayor’s Office, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pangunguna ni Reo Zamora, Philippine Coast Guard sa pangunguna ni Ace Marasigan, at Philippine National Police sa pangunguna ni Maj. Marvin Domacena.
Binigyang-diin ng aktibidad ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan at komunidad sa pagpapanatili ng kalinisan ng mga baybayin, pangangalaga sa yamang-dagat at pagtugon sa epekto ng pagbabago ng klima. Para sa San Antonio, ang pakikiisa sa International Coastal Cleanup ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng bayan na mapangalagaan ang mga likas na yaman nito at mapalakas ang kamalayan ng mga mamamayan sa kanilang pananagutan sa kapaligiran.
Ipinakita rin ng aktibidad na mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya, lokal na pamahalaan at mamamayan upang mapanatiling malinis, ligtas at matatag ang mga pamayanang nakasalalay sa yamang-dagat.
