Photo by: Olongapo City Information Center

OLONGAPO CITY — Sinimulan ng Lokal na Pamahalaan ng Olongapo ang pagdiriwang ng Indigenous Peoples (IP) Month sa lungsod sa pamamagitan ng unang aktibidad na isinagawa noong Oktubre 2, 2026 sa Tralala, Gordon Heights, RDUCK Farm.

Pinangunahan ang aktibidad ni Mayor Atty. Rolen C. Paulino Jr., katuwang ang City Agriculture Department, bilang bahagi ng mga programa ng lungsod na naglalayong kilalanin at itaguyod ang kultura, tradisyon at mga ambag ng mga Indigenous Peoples sa komunidad.

Nakiisa rin sa aktibidad si IP Representative Barry Esteban, kasama ang mga miyembro ng iba’t ibang IP Councils na nagsisilbing katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng mga programa at serbisyong nakatuon sa kapakanan ng mga katutubong mamamayan.

Photo by: Olongapo City Information Center

Binigyang-diin sa pagdiriwang ang kahalagahan ng patuloy na pagkilala sa kultura at tradisyon ng Indigenous Peoples, gayundin ang kanilang mahalagang papel sa pagpapaunlad ng komunidad.

Layunin din ng mga aktibidad ngayong IP Month na palakasin ang ugnayan at pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan, IP Councils at iba pang sektor upang maisulong ang mga programa na tumutugon sa pangangailangan at kapakanan ng Indigenous Peoples sa lungsod.

Patuloy namang isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Olongapo ang mga inisyatibang nagbibigay-daan sa mas malawak na pagkilala, partisipasyon at pagpapahalaga sa mga Indigenous Peoples bilang mahalagang bahagi ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *