Photo by: San Marcelino PIO
SAN MARCELINO, Zambales — Kapwa kinilala ang San Marcelino, Zambales at Aguinaldo, Ifugao bilang Outstanding eNGAS User Entities sa 17th Annual National Convention and 2026 Membership Conference ng Government Financial Management Innovators Circle (GFMIC), Inc. noong Miyerkules, Setyembre 23, 2026.
Sa naturang pagtitipon, nakadaupang-palad ni San Marcelino Mayor Elvis Ragadio Soria si Aguinaldo Mayor Clemente Talusig, kasama si Municipal Accountant Mauna Kae Bautista.

Photo by: San Marcelino PIO
Ang pagkilala ay ibinigay sa dalawang lokal na pamahalaan dahil sa kanilang paggamit ng Electronic New Government Accounting System (eNGAS) sa pagtatala at pamamahala ng mga transaksiyon at ulat sa pananalapi.
Noong Agosto 2024, nagsagawa ng benchmarking ang Municipal Accounting Office ng San Marcelino, kasama ang Municipal Budget Office at Municipal Treasury Office, sa LGU Aguinaldo upang pag-aralan ang paggamit nito ng eNGAS at e-BUDGET System.
Nakatulong ang naturang pagbisita sa pagpapalitan ng kaalaman at mga pamamaraan sa paggamit ng mga elektronikong sistema para sa pamamahala ng pananalapi ng lokal na pamahalaan.
Ang eNGAS ay isang elektronikong sistema sa accounting na ginagamit ng mga ahensya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan para sa pagtatala, pagproseso at pamamahala ng mga rekord at ulat sa pananalapi. (San Marcelino PIO)
