Photo By: BFAR Gitnang Luzon

San Marcelino, Zambales — Matagumpay na nagtapos ang 30 kalahok sa Fishfarmers’ Field School (FFS) na isinagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region III, na nakatuon sa Monoculture of Sex-Reversed Tilapia in Grow-Out Pond.

Pinangunahan nina Municipal Agriculturist Remin P. Sardo at Sangguniang Bayan Member Jose “King” F. Gutierrez ang pagbubukas ng programa, kung saan kanilang binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pagsasanay upang mapataas ang produksyon at kita ng mga lokal na fish farmers sa San Marcelino.

Photo By: BFAR Gitnang Luzon

Bilang pagkilala sa kanilang pagsusumikap, ginawaran ng sertipiko at espesyal na parangal ang mga nagsipagtapos, na matagumpay na nakumpleto ang serye ng pagsasanay sa aquaculture.

Sa panapos na bahagi ng programa, pinasalamatan ni Dr. Neil D. Encinares, Provincial Fisheries Officer ng Zambales, ang mga kalahok at katuwang na ahensya sa matagumpay na implementasyon ng FFS. Binigyang-diin din niya ang mahalagang papel ng ganitong programa sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga mangingisda sa rehiyon.

Inaasahan na ang mga kaalamang natutunan ng mga nagtapos ay magdudulot ng mas episyenteng produksyon ng tilapia at mas matatag na kabuhayan para sa kanilang mga pamilya. (BFAR Gitnang Luzon)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *